Kung aking wariin, sinta May naghihintay na ibigan ka Kung nais malaman, sinta Bakit tangi kang minamahal? Ikaw lang ang tunay at s'yang dahilan Ng aking kaligayahan Minamahal, minamahal kita Pagsinta ay hindi mag-iiba Hindi mo ba nadarama, sinta? Bawat kilos ko'y pangarap ka Minamahal, minamahal kita At nasa iyo ang tanging pag-asa Asahan mong dalangin ko, tuwina Minamahal, minamahal kita Ikaw ang aking panaginip Ikaw ang tibok ng dibdib Pusong humihibik, dinggi't umaawit Tinataghoy ay pag-ibig Ikaw ang ligaya sa buhay Pag-ibig ko'y walang kamatayan Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan Na ang pangarap ko'y ikaw Buhat nang ikaw'y masilayan Buhat nang mapanaginipan Laging hinahanap at inaasam Giliw ay damhin n'ya ri'ng pagmamahal At magbuhat nang makita ka lamang Bawat masdan ko'y kariktan Dulot ng sadyang kaligayahan Na nagbuhat sa 'yo, buhay n'ya ring buhay Dapat mong tantuhin, wala nang ibang giliw Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin Dahil sa 'yo, ako'y lumigaya Pagmamahal, alalayan ka Kung tunay mang ako ay alipinin mo Ang lahat sa buhay ko'y dahil sa 'yo