Kishore Kumar Hits

Kuh Ledesma - Sino Ang Baliw şarkı sözleri

Sanatçı: Kuh Ledesma

albüm: Sce: Ako Ay Pilipino, Vol. 2


Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang
Dahil ari n'ya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihiga'n
Ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman
Sinasambit ng baliw, awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling, tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos
Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip n'yang punit-punit
May binatang ang gayak, panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat
Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos

Sino'ng dakila? Sino ang baliw?
Dakila kang baliw

Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata, isa lamang s'yang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, s'ya'y higit na banal

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag?
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos
Oh, husto ang isip
Kaya't sino, sino?
Sino?

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar