Kishore Kumar Hits

Richard Reynoso - Ale şarkı sözleri

Sanatçı: Richard Reynoso

albüm: Richard Reynoso Greatest Hits


Ale!

No'ng isang araw, nagmamaneho sa Cubao
Aking nakita, babaeng saksakan ng ganda, ha-ah-ah
Sinundan ko ang kotseng sinasakyan n'ya
Hindi ko nakitang may dumarating pala
Hindi ko naiwasan, kami'y biglang nagkabanggaan
Nang magkamalay ay nasa ospital na ako
Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko, ho-oh-oh
Biglang-bigla na lang, ang nurse, and'yan na
At para kong nakita, anghel sa ganda
Kahit nagdedeliryo, ito'ng nasabi ko sa kanya
"Ale, nasa langit na ba ako?
Mama, kayo po ba si San Pedro?"
Okay lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale, nasa langit na nga ako

At paglabas ko, niyaya ko na s'yang pakasal (niyaya ko na s'yang pakasal)
Tinanggihan n'ya at ang sabi, may asawa na s'ya, ha-ah-ah
Dinamdam kong masyado'ng sinabi niya
Hindi ko nakita, hagdan ubos na
Ako ay nahulog sa semento, ulo ko'y nauntog
Nang magkamalay ay naro'n na naman ako (naro'n na naman ako)
Inasikaso ng doktor na pili ng utol ko, ho-oh-oh (doktor na pili ng utol ko)
Biglang-bigla na lang, ang bagong nurse, and'yan na
Tinanong ko muna s'ya kung may asawa na s'ya
Ang sabi n'ya'y wala, ang puso ko'y biglang natuwa, ha-ah-ah
At ang nasabi ko'y
"Ale, nasa langit na ba ako? (Ale, nasa langit na ba ako?)
Mama, kayo po ba si San Pedro?" (Kayo po ba si San Pedro?)
Okay lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale, nasa langit na nga ako
"Ale, nasa langit na ba ako? (Ale, nasa langit na ba ako?)
Oh, mama, kayo po ba si San Pedro?" (Kayo po ba si San Pedro?)
Okay lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale, nasa langit na
Oh, ale, nasa langit na nga
Oh, ale, nasa langit na nga ako
Mmm-mmm, nasa langit, nasa langit na nga ako
Mmm-mmm, nasa langit, nasa langit (ooh)
Ale, nasa langit na nga ako
Oh, ale, nasa langit na nga ako

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar