No'ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo'y 'Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi'y napupuyat Ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y Kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo Ngayon nga ay malaki ka na Ang nais mo'y maging malaya 'Di man sila payag, walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo 'Di mo man lang inisip Na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo 'Pagkat ang nais mo'y Masunod ang layaw mo, 'di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang 'yong inang lumuluha At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?" At ang iyong mga mata'y Biglang lumuha nang 'di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo't Nalaman mong ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't Nalaman mong ika'y nagkamali Kahapon ay nilimot mo Pati ang iyong masamang bisyo Laking pasalamat ng magulang mo Ikaw nga ay tuluyang nagbago Natagpuan ang sarili Galaw ng isip mo, matuwid na Patuloy ang takbo ng araw At ikaw ay natutong umibig 'Di naglaon at ipinasya mong Lumagay ka na sa tahimik Pagkabinata mo'y natapos na Malapit ka nang maging ama Kaya lalong nagsikap nang husto Dumating ang iyong hinihintay Sinilang ang panganay mo Parang langit ang 'yong nadama Ngayon, anak, alam mo na Kung ano'ng pakiramdam nang maging isang ama Ganyan din ang nadarama Ng iyong ama't ina nang ikaw ay makita Ngayon iyong naramdaman Ngayon iyong naranasan Ngayon iyong maiintindihan Tama pala ang iyong ina Tama pala ang iyong ama Ngayon, hindi ka na magtataka Hindi pala birong maging magulang Oh, ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang Oh, ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang Oh, ngayon aking dinaranas