Ang sabi ng nanay kamukha raw kita Mayro'n daw ugaling ikaw na ikaw Ni sa 'king panaginip 'di ka man lang nasilip Wala na yatang pag-asang makikilala ka pa Ang sabi ng lola'y kalimutan ka na Wala raw mabuting dinulot kay ina Mula nung lumisan 'di ka man lang nag-iwan Kahit konting pag-asang makikita ka pa Nahan ka? Nahan ka? Aking ama, nahan ka? Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan? Nahan ka? Nahan ka? Ang payo sa 'kin ng isang kaibigan Ituring ka ng naglahong tuluyan Ngunit heto pa rin at laging dumadalangin Isang araw ay gugulatin ng iyong pagbalik Nahan ka? Nahan ka? Aking ama, nahan ka? Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan? Nahan ka? Nahan ka? (Nahan Ka?) Nahan ka? Nahan ka? Aking ama, nahan ka? Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan? Nahan ka? Nahan ka? Nahan, nahan, nahan ka? (Nahan ka?) Nahan ka? (Nahan ka?) 'Tay, nasa'n ka na ba?