'Di pa napapawi ang ala-ala ng kahapon Nang huli kang mahagkan Kitang-kita ko pa ang 'yong ngiti Dama pa ang halik ng 'yong mga labi Sana sa pag-gising ay ikaw ang syang makita Ikaw lang ang daigdig At ang paulit-ulit kong hiling Sakaling magkitang muli Isasandal kita sa mundong walang sakit 'Di hahayaan na panganib ay sayo mapalapit Kamay mo'y hahawakan sa lalim ng gabi 'Di bibitaw, isasandal kita o aking giliw Maari bang marinig muli ang awit ng kahapon Na sayo'y nagpahinga Nais ko lamang na mayakap ka At 'di na muling mawalay pa Isasandal kita sa mundong walang sakit 'Di hahayaan na panganib ay sayo mapalapit Kamay mo'y hahawakan sa lalim ng gabi 'Di bibitaw, isasandal kita o aking giliw 'Di hahayaan na panganib ay sayo mapalapit Kamay mo'y hahawakan sa lalim ng gabi 'Di bibitaw, isasandal kita o aking giliw