Hindi ko mawari (ooh), hindi ko mawari ang nararamdaman Sa tuwing kapiling ka Ngiti sa 'king labi (ooh), ngiti sa 'king labi, 'di na mabubura Lalo pa't inamin mo sa 'kin, ako'y mahal mo rin Sa wakas ay natupad din ang dinarasal at inaasam ng aking damdamin Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig 'Di makapaniwala (ooh), 'di makapaniwala na ikaw at ako Sa wakas ay magiging tayo Pintig ng mga puso (ooh), pintig ng ating puso'y iisa lang pala Dati ang akala ko'y wala lang para sa 'yo ang isang katulad ko Ngunit, ang lahat ay nagbago dahil minahal mo ako Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig ♪ Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Tila aking nalimutan ang salitang kalungkutan Magmula nang una kang masilayan Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya Dahil ang pusong umiibig, lungkot ay nawawala Kapag kapiling ka (kapag kapiling ka), abot langit ang tuwa Sa 'yo lang natagpuan ang tunay na, tunay na pag-ibig Tunay na pag-ibig