Ngayon ang simula ng hiram mong buhay Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay Ngayon, gugulin mo ng tama't mahusay Bawat saglit at sandali, magsikap ka't magpunyagi Maging aral bawat mali Ngayon, bago ito ay maging kahapon Ang pagkakataon, sana'y huwag itapon Ikaw, tulad ko rin ay may dapit-hapon Baka ika'y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay ngayon Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay, bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon Ngayon