'Di ko lubusang maisip Na muling mawalay sa 'yong tabi 'Di nais magising sa panaginip Kung hindi ikaw ang kapiling Walang-hanggan akong maghihintay Sa 'yo lamang iibig ng tunay Kulang ang sandali sa yakap mo't halik Ang bukas ay 'di tanaw kung walang ikaw Puso'y nasasabik sa 'yong pagbabalik Kahit na kay tagal, sa 'yo ay maghihintay Wala nang iba pang hahanapin 'Di ipagpapalit sa kahit sinumang lumapit Walang-hanggan akong maghihintay Sa 'yo lamang iibig ng tunay Kulang ang sandali sa yakap mo't halik Ang bukas ay 'di tanaw kung walang ikaw Puso'y nasasabik sa 'yong pagbabalik Kahit na kay tagal, sa 'yo ay maghihintay Pag-ibig sa 'yo'y ipaglalaban (pag-ibig sa 'yo'y ipaglalaban) Tadhana man ay humadlang Kulang ang sandali sa yakap mo't halik Ang bukas ay 'di tanaw kung walang ikaw (Puso'y nasasabik sa 'yong pagbabalik) Kahit na kay tagal, sa 'yo ay maghihintay (Kulang ang sandali sa yakap mo't halik) Ang bukas ay 'di tanaw kung walang ikaw Puso'y nasasabik sa 'yong pagbabalik Kahit na kay tagal, sa 'yo ay maghihintay