Kapag ako'y nangangamba Isang tingin mo lang ay tumatapang na uli ako 'Pag nawawalan ng pag-asa Isang tapik mo lang, at naniniwala na muli ang puso 'Di ko kakayanin hanggang dulo Kung wala ang ilaw ng pag-ibig mo Ikaw ang aking dahilan Kung kaya't lumalaban hanggang manalo Nadarapa ma'y tatayo Ako ay bunga ng 'yong dasal Paghihirap at pagmamahal Kaya't pangako, ako'y magpapatuloy tulad mo ♪ Kahit na magkalayo, isang pagtatagpo Ang magdurugtong muli sa ating puso At hindi magbabago, ako'y buhay dahil sa 'yo Bahagi ka ng aking pagkatao 'Di na maitatama pa ang umpisa Hindi na bale ngayong tayo ay magkasama Ikaw ang aking dahilan Kung kaya't lumalaban hanggang manalo Nadarapa ma'y tatayo Ako ay bunga ng paghahanap Paniniwala mo't pangarap Kaya't pangako, ako ay mananalo tulad mo Oh-whoa-oh-oh Ako ay pinagpala dahil 'tinadhanang Kayo ang aking dahilan Kung kaya't lumalaban hanggang dulo Nadarapa ma'y tatayo Ako ay puno ng pagmamahal Namumuhay nang marangal at lumalaban 'Pagkat kayo ang aking dahilan