Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin Ako'y napatingin sa dalagang nababalot ng hiwaga Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka? Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan Nag-aabang sa langit, sa mga ulap, sumisilip Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna Ang swerte nga naman ni Ding, lagi ka n'yang kapiling Kung ako sa kan'ya, niligawan na kita Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka? Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan Nag-aabang sa langit, sa mga ulap, sumisilip Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna ♪ Tumalon kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin Ito ang tanging paraan para mayakap ka Darating kaya sa dami ng ginagawa Kung kaagaw ko sila, paano na kaya? Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan Nag-aabang sa langit, sa mga ulap, sumisilip Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna Nag-aabang sa langit, sa mga ulap, sumisilip Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna