Oh, upod na ang tsinelas At tila ba parang pasan mo ang buong daigdig Kay rami ng napagdaanan Tanaw mo na, pero bakit gano'n? Ang hirap marating Pagpagin ang galos at dumi Wala lang 'yan, bumangon kang muli Ilang ulit mang magkamali Balang araw, magwawagi At darating din ang sandali Balang araw, magwawagi Oh, mapaglarong tadhana Ilang ulit nang nasugatan, may lalalim pa ba? Kumapit ka (kumapit ka) at maniwalang Walang iba kundi ikaw sa sarili'y sasagip Pagpagin ang galos at dumi Wala lang 'yan, bumangon kang muli Ilang ulit mang magkamali Balang araw, magwawagi At darating din ang sandali Balang araw, magwawagi ♪ Wala namang nagsasabi Na ang buhay ay kay dali Ilang ulit mang magkamali Balang araw, magwawagi Ilang ulit mang magkamali Balang araw, magwawagi At darating din ang sandali Balang araw, magwawagi