Kishore Kumar Hits

Parokya Ni Edgar - Parang Ayoko Na Yata şarkı sözleri

Sanatçı: Parokya Ni Edgar

albüm: Bigotilyo


Naubos na ang barya sa kakayosi at kakabasa
Ng magazine mong nakahilata d'yan sa sala
Maggagabi na pala, 'di ba't sinabi mo ala-una?
Mabuti na lang, mabagal akong magbasa
Dumating ka na sana
Bakit 'di ka man lang nagbilin
Na may balak ka palang biglang mag-ice skating?
Kung 'di ka pa tinawagan, maiisip mo kaya na ako'y-
'Di bale na, nakakasawa din pala
Kapag paulit-ulit ang buhos ng galit
Parang ayoko na yata
Nakakapagod din pala ang iyong mukha
At kung may balak ka pang ulitin sa 'kin 'yon
May ibubulong ako sa 'yo, "Putang ina mo"

Bakit nagtatiyaga sa iyo?
Ang dami-dami kong reklamo
Parang ayoko nang magsalita
Parang ayoko na yata

Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pa'no'ng gagawin
Akala mo siguro na hindi ko kaya
At nang ika'y dumating
Mula sa 'yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi "Napagod ka ba? Kumain ka muna"
'Pagkat 'di ko kayang magalit
'Pag nakita na kita, tumatamis ang pait
Laging pinipilit na magsungit
Ngunit 'di bale na, napapatawad na kita
Hindi na magagalit, 'wag lang mauulit
At no'ng tayo'y kakain na
Biglang sinabi mong may lakad kang iba
At kahit gusto sana kitang awayin na
Sinabi ko, "Bahala ka, basta mag-ingat ka"

Bakit nagtatiyaga sa iyo?
Ang dami-dami kong reklamo
Parang ayoko nang magsalita
Parang ayoko na yata

Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil sobrang alam mong 'di ko kayang mawala ka
Suwerte ka't mahal kita, malas talaga

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar