Sino pa ba'ng hinihintay? Ba't 'di pa tayo sumakay? Excited na 'kong umalis, sige na please, konting bilis Saan ba tayo pupunta? Kahit saan, bahala na Wala 'kong baong extra brief, pwedeng side B ta's auto flip Biglaan, wala nang oras pa na pagplanuhan Gusto ko na kasi siyang kalimutan Kaya't pakibilisan Saan man tayo magpunta, walang sablay, sobrang saya Kahit sa'n tayo mapadpad, basta may baon na lapad 'Pagkat kailangan ko na munang mag-relax ng lalamunan Tapos magpakalunod sa alak ang pusong pagod Biglaan, biglaan niya na lang akong iniwan Gusto ko lamang siyang makalimutan Kaya nagkayayaan Tara na, samahan niyo 'kong magsaya Sige na, ayoko munang mag-isa Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako ♪ Tuloy-tuloy niyo lang ang tagay hanggang mawalan ng malay Loko lang, siyempre naman, maghahanap muna ng away Loko lang, walang gano'n, gusto ko lamang mag-inuman Okay lang ang dahan-dahan, ang amats ay 'di kailangan Na biglaan, relax lang tayo 'pag nag-iinuman Gusto ko lamang siyang makalimutan Kailangan lang maglibang Tara na, samahan niyo 'kong magsaya Sige na, ayoko munang mag-isa Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito Kaya pakiusap lang Tara na, samahan niyo kong magsaya Sige na, ayoko munang mag-isa Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako Kaya pakiusap lang ♪ Lasingin n'yo ako