Come on, game ka, ah? (Sige) One, two, three, four Nandito na naman kami Nagkakantahan sa isang tabi Katulad ng dati, pagkatapos ng klase Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing 'Wag kang magkakamali Palampasin ang sandali Kailangan palagi positibo parati Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari Oras na para gumawa ng panibagong Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago Tara, samahan niyo 'ko na muling maglibang Para sa mga katulad mong nag-aalangan Teka lang, 'di naman kailangang magmadali Dapat lang siguro na 'wag kang magpapahuli Sapagka't ang oras natin ay may katapusan Kailangan mong gamitin sa makabuluhan, pasok Teka muna, teka muna, teka muna, teka Katatapos ko lang isulat ang mga letra Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara Kasama ko ulit, pinakamalupit na banda Pero ngayon ay babaguhin ang tema Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna Musikero, gitarero, tambulerong magaling Kahit kaninong itapat, sa'n pang labanan, angat pa rin, chorus Nandito na naman kami Nagkakantahan sa isang tabi Katulad ng dati, pagkatapos ng klase Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing 'Wag kang magkakamali Palampasin ang sandali Kailangan palagi positibo parati Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari Nagsimula kami ng mga '93 Mga batang 'di mapigil sa pagpursigi Mga batang 'di maawat ng mga hadlang Sapagka't sila'y nakatingin sa pupuntahan Namulat sa Heads at kay Sir Magalona Alam ko sa loob ko na nagsisimula na Sila ang nag-supply at naglagay ng gasolina Si Kiko kay Gloc at ang E-heads sa Parokya Ibang klase ang pinoy 'pag dumating na sa tugtugan Nagyuyugyugan, siguradong hindi ka magtutulug-tulugan 'Pag narinig mo ang bagong gawa ni Chito at ni Gloc Kung ika'y sa 'min sumasangayon ay pumalakpak Nang malakas, itaas ang kamay sumigaw Para sa tatlong bituin at isang araw Mga bata rin kami at katulad ng iba Tagahanga rin kami ng mga kanta nila, ayos Nandito na naman kami Nagkakantahan sa isang tabi Katulad ng dati, pagkatapos ng klase Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing 'Wag kang magkakamali Palampasin ang sandali Kailangan palagi positibo parati Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari Ang gusto lamang naming sabihin, pangarap ay laging habulin Kahit na kinakapos ang hininga mo'y pigilin Initin natin ang kalan para tubig kumulo Kailangan timbain ang poso para balde mapuno 'Wag kang magpapabola sa iba, hindi 'to madali Kung mayro'ng gusto, pare, 'wag kang magmadali Tatama ka rin kahit medyo puro mali Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati Kasi isa lang ang tatandaan Walang nakaharang na 'di kayang lampasan Para 'di ka mahuli, kailangan mong paspasan Lagi mo pataliminin, ikaskas sa hasaan Ang kutsilyo, martilyo ang kailangan Para palabugin lagi ang pako Ikutin ang antenna kung TV ay malabo 'Wag kang matakot na tumaya ng pati pato, kanta na Nandito na naman kami Nagkakantahan sa isang tabi Katulad ng dati, pagkatapos ng klase Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing 'Wag kang magkakamali Palampasin ang sandali Kailangan palagi positibo parati Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari