Masarap tumunganga, halika na 'Di mo na kailangan pang magsalita Parang blessing kung wala kang magawa Titingin ka lang sa langit at kakanta Tungkol sa dampi ng araw at sa haplos ng hangin At sa halik ng alon sa pisngi ng buhangin Tanawing kay ganda, parang sinasadya Mapapahanga ka sa lumikha Kung sino man Kayo, salamat po Ang sarap lang tumambay at magsama-sama Parang mamamatay na tayo sa kakatawa Masarap ding tumambay nang mag-isa Hihiga ka lang sa kama at kakanta Tungkol sa agos ng buhay at sa daloy ng tadhana At sa nakakalunod na pagbuhos ng biyaya Wala'ng lahat ng ito, kundi dahil sa 'Yo Alam ko nang Ikaw ay totoo Kung sino man Kayo, kung nasa'n man Kayo Kung sino man Kayo, salamat po