Ay, naku
♪
Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
At tulad ng sinabi ko noon, "Walang iwanan"
At kahit na ano'ng mangyari, pare, steady ka lang
Pangako namin sa inyo, palaging tandaan
Na ang Parokya, kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habang-buhay kaming maghahasik ng lagim
Nand'yan si Dindin, ang drummer naming cute na cute
Kaibigan ko na s'ya mula nu'ng '82
Hanggang ngayon, hindi pa rin marunong mag-commute
Pati mag-drums pero okay lang 'yan, tsong, salute
Grade three nu'ng nakilala ko si Montaner
Ang aming back-up, extra ordinaire
Sa bawat gig, handa s'yang magpakamatay
Kasi nag-iisa 'yung kanta n'ya, 'yung "Picha Pie"
Si Buhawi, pinakamagulong bahista
Magaling, malupit, para s'yang karatista
'Pag inyong makita, 'kala mo, rakista
Pero gusto n'ya lang talaga maging fashionista
Si Gab, gitarista namin na malupit
Anak ng teacher kaya akala mo mabait
Pero kung minsan, inaatake ng kulit
Nawawala bigla ang modo, banatan sa puwet
At ang huli, si Darius Gerard Semaña
Ang pinakamatandang member ng Parokya
Wala kaming mahanap na ibang gitarista
Kaya kinuha namin s'ya kahit Lasalista
Ang Parokya, kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habang-buhay kaming maghahasik ng lagim
'Yan ang Parokya, kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habang-buhay kaming maghahasik ng lagim
Ako si Gloc-9, batang Binangonan, Rizal
Sipag, t'yaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
'Di pwedeng mainip kahit na ga'no pa katagal
Kapag uhaw, handang uminom ng tubig sa kanal
Balikan natin ang istorya, nanalo ng trophy
Si Chito Miranda, nakita ko sa kodli
Ako'y napaisip at medyo nangarap nang konti
Baka nga may mapala'ng isang makatang promdi
Lumipas ang isang taon, may tumawag sa 'kin
Nang sabihin n'ya kung sino s'ya, gusto ko s'yang murahin
Nang aking pinuntahan, 'di ko sukat akalain
Makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng madami
Bagsakan ang nangyari
Samahang binuo namin, wala akong masabi
Kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin
Mula noo'y 'di na 'ko nakatulog nang mahimbing
Palaging atat ipadinig sa lahat
Kung saan nagmula ang tulang nag-ugat
Dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
Dahil susunod na sa 'kin ang anak ng alamat
♪
Uh, sintamis ng makopa, para bang naka-toga
Nakamit na ang inaasam nilang diploma
'Di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
Kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona
'Yan si Chito at ang tropa, pagkabibo ay sumosobra
Pagdating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
'Pag pumito na si kuya, alam nating magulo na
'Mang pulis ho'y totoo na ako'y testigo, ilang taon na
Kulang na lang, 'sulat ko'ng pangalan nila sa balota
Walang Pinoy na takot sa kanila
Kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada
Sila ang pipiliin na kalahok, tampok sa kalokohang subok
Walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
Sa pintuan pa lang, hindi mo kayang makatok
Sa bituka pa lang, sila'ng mas matatag
Sa totoo lang, 'di n'yo kaya si Chito Miranda at Gab Chee Kee
Vinci, Moreno, Semaña at Meneses
Nominado at nanalo nang maraming beses
Nakalathala sa punong Acacia, ang Diyos ay marunong humasa
'Di ba halata na binasbasan ng Bathala? Singtibay ng narra, 'di natakot mangarap
Pakinggan niyo'ng "Harana", mga kapatirang pariwara na inararo ng drama
Itaga n'yo na sana sa bato at mangako na habang-buhay magsasama
Ang Parokya, kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habang-buhay kaming maghahasik ng lagim
'Yan ang Parokya, kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habang-buhay kaming maghahasik ng lagim
Поcмотреть все песни артиста