Isang munting harana ni Gardo Sa maid ni Mr. Lim ♪ Mayro'ng kakaibang nadarama Kapag nakita ka'y ano'ng saya Sa t'wing iirap ang iyong mga mata Lumiliwanag ang mundo sa 'yong ganda Kay tamis ng 'yong mga ngiti Pang-commercial ng Datu Puti At kahit na ang ngipin mo'y medyo sungki Ang 'yong halik ang s'yang minimithi Oh, Inday, ako ay nabighani Ng 'yong mga pisngi Inday, sana ay bigyang pansin Ang aking pagtingin ♪ Sa t'wing dumaraa'y nag-aabang 'Pag nautusan ka sa may tindahan Ihahatid ka sa inyo Sana'y wala doon 'yung amo mo Sa araw-araw ay inaasam Kahit saglit sana ay masilayan Mayro'n akong hiling sa 'yo Sa day-off mo, sana'y mag-date tayo Oh, Inday, ako ay nabighani Ng 'yong mga binti Inday, sana ay bigyang pansin Ang aking pagtingin ♪ Oh, Inday, ako ay nabighani Ng 'yong mga pisngi Inday, sana ay bigyang pansin Ang aking pagtingin Oh, Inday, ako ay nabighani Ng 'yong mga binti Inday, sana ay bigyang pansin Ang aking pagtingin