Nahuli na naman ako, mayro'n ibang ka-text Pero pangako sa iyo, wala akong ibang ka-sex Sapagkat 'di ko kayang mawala ka At hindi ko rin alam at ako'y nagtataka Kung bakit parang hindi ko mapigilang magpa-cute Kahit alam ko na wala lang, basta cute Parang kailangan kong subukan upang malaman Kung kaya ko pa ba at kung hanggang saan Tandaan mo lang sana Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba At kahit na alam ko na hindi naman dapat gano'n Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala Wala lang 'yun, ikaw lang talaga Wala lang 'yun, parang awa mo na Wala lang 'yun ♪ Siguro hindi mo maiintindihan Na likas sa lalaki ang kanyang kalokohan Pero hanggang du'n lang ako Wala naman akong balak magloko Konting landian lang naman Hindi ko papaabutin sa kung ano'ng iniisip mo Sige na, please lang, patawarin mo ako And please, tandaan mo lang sana Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba At kahit na alam ko na hindi naman dapat gano'n Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala Wala lang 'yun, ikaw lang talaga Wala lang 'yun, parang awa mo na Wala lang 'yun ♪ Kung wala lang pala 'yun, bakit ko ginagawa? 'Di ko ba naisip na baka nasasaktan kita? Sa mga kalokohan na wala lang Du'n pa lang, mayro'n na 'kong kasalanan Kung talagang mahal kita, dapat kaya kong pigilan Ang pakikipaglandian sa mga kababaihan Na magiging dahilan ng kasinungalingan Dahil mas mahalaga sa akin ang pag-ibig mo Mapanindigan ko sana Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba At pangako sa iyo, mula noon hanggang ngayon Wala lang 'yun, 'wag kang mag-alala Wala lang 'yun, ikaw lang talaga Wala lang 'yun, parang awa mo na Wala lang 'yun