Kishore Kumar Hits

Yoyoy Villame - Awit Na Kanta şarkı sözleri

Sanatçı: Yoyoy Villame

albüm: SCE: Butsekik Mag-exercise


Dinggin mo irog itong aking awit
Itong awit na 'king inaawit
Kahit ito ay walang kwentang awit
Basta sayo giliw ako'y aawit
Pasensya ka dito sa aking awit
Pagkat ito'y kaisa-isa ko lang na awit
Sakali mang di ayos ang pagkaawit
Pasensya ka't ako'y di marunong umawit
Ito ang awit
Na hinihiling mong awit
Kahit di marunong umawit
Napilitan lang akong umawit
Aawitan kita
Nitong awit ko na kanta
Pagkat ang awit kong ito'y
Para sa iyo sinta
Kung ikaw may nakikinig
Ay iyong naririnig
Na sa awit kong ito
Puso ko'y nanginginig
Sana'y dinggin mo giliw
Itong aking inaawit
Pagkat ito'y singaw lamang
Sa nasawi kong pag-ibig
Kaya dito na lamang
Ang awit kong ito'y buong puso ko ihandog sayo giliw
This song is heartily vertically for youtically and yoyoytically dedicated
To you my dear
Ito ang awit (hay)
Na hinihiling mong awit (hay)
Kahit di marunong umawit
Napilitan lang akong umawit
Aawitan kita
Nitong awit ko na kanta
Pagkat ang awit kong ito'y
Para sa iyo sinta (lay lay lay)

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar