Mahawi man ang ulap Di ko matitiyak Kung laging mayroong bughaw Ka pang matatanaw At sa umaga't hapon ba'y May araw pang sisikat Sa gabi naman kaya'y May talang kikislap Habang sinasariwa Dati mong mga pangarap Sundan ang bahaghari Sa kanyang hangganan Baka doo'y sakali'y Ulap mo'y magpaalam At pag napawi na'ng Sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang pusong Bihag sa karimlan Kayanin mong limutin Luha ng nagdaan Ba't mo pa iisipin Ang dating sumpaan 'Sanlibo't 'sang kasawian Pasan mo habangbuhay Kung di mo ngingitian Dinanas na lumbay Ulap ay mahahawi Kahit na paminsan-minsan Sundan ang bahaghari Sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling Ulap mo'y magpaalam At pag napawi na'ng Sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang puso Muling sundan ang araw Hawiin mo ang ulap ngayon