Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal-dilag Ang 'di magnasang makaalpas Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal-dilag Ang 'di magnasang makaalpas Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya