Parang kailan lang Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Dahil sa inyo Napunta ako sa aking nais marating Nais ko kayong pasalamatan kahit man lamang isang awitin Parang kailan lang Halos ako ay magpalimos sa lansangan Dahil sa inyo Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkakalaman Kaya't itong awiting aking inaawit nais kong kayo ang handugan Tatanda at lilipas din ako Nguni't mayro'ng awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama Parang kailan lang Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan Dahil sa inyo Narinig ang ang isip ko at naintindihan Dahil dito'y nais ko kayong ituring na matalik kong kaibigan Tatanda at lilipas rin ako Nguni't mayro'ng awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama Tatanda at lilipas rin ako Nguni't mayro'ng awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama