Kahit gaano ka kalayo Ramdam pa rin pag-ibig mo Paglalagas ng kalendaryo 'Di mapigilan 'Di mapigilan, mahal Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko 'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo ♪ Pasalubong na lang ang dumadalaw Pumapatak ang luha, 'di ka matanaw Isang tanong sa Maykapal Matitiis ko ba? Magtitiis pa ba, sinta? Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko 'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo Ikaw ang s'yang mahal, ang nagbibigay lakas Wala nang dadaig pa o hihigit pa sa atin Ni minsan hindi ka naalis sa aking damdamin Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko 'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo