Sa bawat sandaling ika'y kapiling Parang walang bukas na darating Walang kasingdiin ang mga yakap mo Ako'y iyong iyo Bakit ba kay dali mong ibigin? Parang dinuduyan sa tuwing naririnig ang 'yong tinig Nagkasundo na rin ang ating landas Ako'y sa 'yong sa 'yo Dahil ikaw pa lang ang inibig Nang ganito, aking aaminin Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin Wala nang iba Walang pakialam sa ating paligid Ikaw lang at ako, lahat ay tatahakin Mga pangarap kong ikaw ang bumubuo Alay ko sa iyo Dahil ikaw pa lang ang inibig Nang ganito, aking aaminin Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin Wala nang iba At kahit pa, ano pa'ng dumating Ang pagsubok ay kakayanin At nakahandang ipaglaban ang pag-ibig ko Sa iyo Dahil ikaw pa lang ang inibig Nang ganito, aking aaminin Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin Wala nang iba At ito na ba ang pag-ibig Na pangarap ko, wala nang dadaig? Higit sa dalangin ang sagot ng langit Ikaw ang lahat Dahil ikaw pa lang Dahil ikaw pa lang Dahil ikaw pa lang Wala nang iba Sa bawat sandaling ika'y kapiling Parang walang bukas na darating