'Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin 'Di ko man maisip Sa pagtulog, ikaw ang panaginip Malabo man ang aking pag-iisip Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko, minsan ako'y manhid Sana at iyong naririnig Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik ♪ Ayoko sa iba Sa 'yo, ako ay hindi magsasawa Ano man ang 'yong sabihin Umasa ka, ito ay diringgin Madalas man na parang aso at pusa Giliw, sa piling mo, ako ay masaya Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko, minsan ako'y manhid Sana at iyong naririnig Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik ♪ Pilit mang abutin ang mga tala Basta't sa akin, 'wag kang mawawala Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko, minsan ako'y manhid Sana at iyong naririnig Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik 'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi Malamig man o mainit ang gabi Nais ko sanang iparating Na ikaw lamang ang siyang aking iibigin