Lakbayin natin ang dagat Sabihin ang makikita Magtatanong, mag-iisip Kung mayro'n pa bang natitira Sino ang dapat sisihin? Kung 'di tayo-tayo rin Nagkakalat, nagpabaya Sa ating mayamang tubig Halika na, sumama ka Buhayin natin ang nasisirang ganda Panahon na, sumisid ka Kailangan lamang natin na magkaisa Para sa lahat Pagyamanin natin ang ating tubig dagat Para sa lahat Isulong natin ang hanapbuhay dagat ♪ Bakit 'di natin ialay Ang karunungan na taglay Madaling gawin, kung gustuhin Ang isa't isa'y tulungan natin Sagipin natin ang mga bagay Na ang tubig sa ati'y inalay Ang pagmamahal ng Maykapal Sa ating patunay ang lahat ng 'yan Halika na, sumama ka Buhayin natin ang nasisirang ganda Panahon na, sumisid ka Kailangan lamang natin na magkaisa Para sa lahat Pagyamanin natin ang ating tubig dagat Para sa lahat Isulong natin ang hanapbuhay dagat Nasa ating mga kamay Ang naggagandahang kinabukasan Simulan na natin ang humanap ng paraan Para sa lahat Pagyamanin natin ang ating tubig dagat Para sa lahat Isulong natin ang hanapbuhay dagat Para sa lahat Pagyamanin natin ang ating tubig dagat Para sa lahat Isulong natin ang hanapbuhay dagat