Eto na naman, muling sinusubukan Sa 'di mapaliwanag na mga dahilan Kailangan sundin ang tawag ng tungkulin Kaya ang tinig na kinakailangan dinggin Ginuhit ng langit ang bakas sa aking dibdib Maglalakbay sa ulap ng hawak ang kamay mo Sandata ko lagi ay tibay at lakas ng loob Handa kang ipaglaban sa lahat ng panahon Kahit anong mangyari, nandito ang pag-ibig ko Taglay ko na kapangyarihan, alay sa iyo 'Wag mangangamba sa bangis ng kadiliman Umasa ka na kailanman, hindi kita iiwan Kahit ulit-ulitin, tumawag sa akin Lahat ay gagawin upang ako'y makarating Ginuhit ng langit ang tatak sa aking dibdib Maglalakbay sa ulap ng hawak ang kamay mo Sandata ko lagi ay tibay at lakas ng loob Handa kang ipaglaban sa lahat ng panahon Kahit anong mangyari, nandito ang pag-ibig ko Taglay ko na kapangyarihan, alay sa iyo Kahit pa malayo ka, manalig lang At ako ay darating Ako ay darating 'Di magagawang limutin ka dahil Ang buhay ko'y nakalaan sa iyo ♪ Sandata ko lagi ay tibay at lakas ng loob Handa kang ipaglaban sa lahat ng panahon Kahit anong mangyari, nandito ang pag-ibig ko Taglay ko na kapangyarihan, alay sa iyo Whoa, 'di kita iiwan Whoa, 'di pababayaan