Iyong dinggin, himig ng puso ko sa 'yo lamang Aking mundo, umiikot at hihinto para sa 'yo At kahit hanggang sa panaginip, sa isip ko ay nakaukit Mga ngiting sinasabi na ako'y kailangan din Sa tamang panahon, ika'y makakasama Ako'y maghihintay sa 'yo, sinta Sa tamang panahon, kahit ilan pang bukas Hindi na bibitaw Nangangakong hindi ka na muling luluha't mag-iisa At kahit pa nilumay ng pagkakataon, ako'y aasa At kahit na wala kang tinig Sa puso ko ay nakaukit, mga matang sinasambit Na ako'y mahal mo rin Sa tamang panahon, ika'y makakasama Ako'y maghihintay sa 'yo, sinta Sa tamang panahon, kahit ilan pang bukas Hindi na bibitaw Sa tamang panahon, hahawakan ang pangako Sa 'yo lamang iaalay ang puso ko Kahit ilang hadlang pa ang dumating sa 'ting pag-ibig, ako'y nangangalo Sa tamang panahon, ika'y makakasama Ako'y maghihintay sa 'yo, sinta Sa tamang panahon, kahit ilan pang bukas Hindi na bibitaw Ang puso mo at puso ko, sabay titimpi Sasayaw at hihimig sa isang awit Sa tamang panahon Sa tamang panahon