Kagat ng lamok sa likod ng tenga Kagat ng lamok sa hinliliit Hindi ko alam ba't ako lagi ang pinag-iinitan Naligo naman ako, naligo naman ako Kagat na lamok sa kaliwang siko Kagat ng lamok sa iyong labi Hindi mo alam kung bakit ikaw lagi ang napag-iinitan Nakaputi ka naman, nakaputi ka naman ♪ Bakit may mga taong kulang sa pansin? Kapag hindi mo kinibo'y nagtata-tumbling Kung tunay kang malupit, ba't nariyan ka pa? Nabubulok sa daigdig mong puro dada ♪ Naiinggit ka pero 'di mo kayang makipagkaibigan Oh, manahimik na lang, oh, manahimik na lang