Isang basong tubig galing sa poso Inutang na kanin at malamig na ginamos Konting asin sa plastik na platito Busog na, bay? Pwede nang magtrabaho Sa aking balikat ay papasanin Tatlong daang kilo ng asukal Limang daang sako ng denorado Sanlibong kaha ng delata Sampung tonelada ng harina ♪ Kalawanging bubong, pader na may butas Posteng pilay at sahig na paduyan-duyan Itong aking palasyo'y pagkatibay-tibay Pero pwede na, p're, tuloy ang hanapbuhay Ngayong araw ay tatapusin ko Isang subdivision, limampung hektarya Tatlong dosenang mansyon na magara Higanteng gusali, likha sa semento Kilo-kilometro ng kalsada, hey ♪ Ooh, kay tamis ng buhay Ooh, kay daling umasenso Hangarin ko'y makatikim ng konting hayahay Subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay 'Pagkat walang ibang makagagawa nito Paandarin ang makinarya Bigyan ng buhay ang industriya Patakbuhin ang ekonomiya Padayunon ang pagpangita Padayon Padayon Padayon Padayon