Kanina ka pa kumakaripas sa pagtakbo Na tila 'di mo na alam Para bang napakahirap makaiwas sa lahat ng mga hakbang mo Hindi ka makadaan Gayong mga paa'y nakadikit, wala sa 'yong lumalapit Ayaw ka ba nila pakialaman? Sa gitna ng dilim, para kang nakapikit At tumutulay kahit na gusto mong bilisan na parang tulisan (tulisan) Sandali lang, may humahabol sa atin 'Di pa makita ang mukha, kulay itim, kaluluwa 'Wag tititigan sa mata (alam n'ya ang lahat ng kahinaan mo) Pa'no labanan kung ang mukha n'ya ay sa 'yo? Tumalikod sa mundo, lahat magbabago May pangako na higit sa buhay mo (higit sa buhay mo) Tumalikod sa mundo, lahat magbabago, whoa Nasa sa 'yo Sandali lang, narinig mo ba ang tawag sa 'yo? (Tawag sa 'yo) 'Wag pansinin, aakitin at ika'y ilalayo Hindi mahirap talikuran ang nakaraan Nasa sa 'yo ang panahon, gamitin na Tumalikod sa mundo, lahat magbabago May pangako na higit sa buhay mo (higit sa buhay mo) Tumalikod sa mundo, lahat magbabago, whoa Nasa sa 'yo Kahit na ano mang sabihin ng iba Ang totoo'y hindi naman ikaw sila 'Wag kang titigil, 'wag kang magpapigil Ipagaspas mo lang na para bang agila Higpitan mo lang ang hawak Ang lupa ng pangarap, dapat malawak Kapag dumating ang pagkakataon 'Wag magdalawang-isip na tumalon Ipagpabukas pa ang pwede ngayon Mahirap sumipat 'pag nakalingon Titigan mo ang nasa 'yong harapan Habulin mo lang at laging dikitan Teka, parang napakalayo, kabilang ibayo Kahit 'di mo man bilisan Napapasadahan ka na ba? Pwede pa rin namang matanaw Kaya tuloy-tuloy lang Kahit paisa-isa'ng bawat hakbang Paabante, 'yan ang dapat na alam 'Di nawawalan ng pag-asa Kaya kahit na kasingliit pa 'yan ng langgam Marami ka mang beses na madapa 'Pag 'di ka tumigil, 'yan ang matimbang Marami ka mang beses na madapa 'Pag 'di ka tumigil, 'yan ang matimbang ('yan ang matimbang) ♪ Lahat magbabago (lahat magbabago) Lahat magbabago (lahat magbabago, higit sa buhay mo) Tumalikod sa mundo (lahat magbabago) Nasa sa 'yo