Ito ang tipo ng diskarte na hindi nagpapapigil 'Pag ako'y nadarapa, lalo akong nanggigigil Tawag nila sa akin ay batang kayod-kalabaw Handang lusungin ang lalim kahit 'di na matanaw Gutom na naman ako (Parang ayoko na) Laman ng sikmura ay Sugo (Parang ayoko na) Tumitirik aking mata (Parang ayoko na) Nahihilo na ako, parang gusto kong tumumba Kahit mainit ang araw Kayod lang Buhos ng pawis at uhaw Kayod lang Kalam ng aking sikmura Kayod lang Parang ayoko na, pero Kayod lang Tumatagaktak ang aking pawis (Parang ayoko na) Umaga pa lang, ang dungis ko na (Pero lalaban pa) Ngawit na ang aking binti (Habang humihinga) Gustong-gusto ko na, pwede na ba 'kong umuwi? Kahit mainit ang araw Kayod lang Buhos ng pawis at uhaw Kayod lang Kalam ng aking sikmura Kayod lang Parang ayoko na pero Kayod lang Ito ang tipo ng diskarte na hindi nagpapapigil 'Pag ako'y nadarapa, lalo akong nanggigigil Tawag nila sa akin ay batang kayod-kalabaw Handang lusungin ang lalim kahit 'di na matanaw Wala na bang katapusan? (Balot!) Kailan ba ako yayaman? (Taho!) Ang pag-asensong mailap (Quiapo, Quiapo, Quiapo!) Kailan kita, kumpadre, mahahagilap? Kahit mainit ang araw Kayod lang Buhos ng pawis at uhaw Kayod lang Kalam ng aking sikmura Kayod lang Parang ayoko na, pero Kayod lang Puyat, pagod, hirap, kayod, 'di na makaupo Maga na tuhod, sige, 'di ako susuko Reklamo sa sarili ay kaya kong tiiisin Basta may bigas sa bahay at itlog na may asin Bawat butil ng pawis, sukli, sagot sa panalangin Pasalamat sa biyaya sa 'king pagkamalikhain Tibay ng loob ang aking medalya Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya Kayod lang