Kishore Kumar Hits

Ian Quiruz - kailan kaya şarkı sözleri

Sanatçı: Ian Quiruz

albüm: SA PANAGINIP


Magkatabi, malamig at magkahawak ang kamay
Nasa ilalim ng kalawakan, nasa ulap ang lagay
Kailan kaya, kailan kaya masisilayan ang mukhang
Tuyo na ang mga matang muntikang malunod sa sigwa?
Nasa'n ka na? Kailan mo ba bibigyang-kulay ang mundo?
Hinihintay tayo ng buwan, tanging ikaw lang at ako
Nais subukan, ayaw maulit, oras iikot pabalik
Maitatama pa ba, dating pasiya sa panaginip?
Sana ay naririnig
Na handa akong maghintay
At hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng isip, 'wag mahiyang sabihin
Baka sakaling makalimutang mag-isa
Halika na, dadalhin ka sa gitna ng kagubatan
Saksi ang bawat alitaptap, mamahalin ka nang lubusan
Malay ko ba, malay mo ba kung tayo'y sa isa't isa
Ang mahalaga, nandito ka, kaya sinta
'Di naman naiinip
Kung ikaw rin lang ang hinihintay
Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng isip, 'wag mahiyang sabihin
Baka sakaling makalimutang mag-isa
Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng ihip ng hangin ay sabihin
'Di namalayang tumitibok pala

Hanggang kailan mananatili sa labas ng pintuan?
Bumubuhos ang ulan, naghihintay na pagbuksan
Kailan kaya, kailan kaya, kailan kaya masisilayan?
Para naman makalimutang mag-isa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar