Pabili po ng alaalang masaya Panghimagas ko sa buhay at siyang aking pahinga Pabili po ng relos kahit wala nang baterya Nang dumungaw lang muli ang nalimutang pahina Pwede bang pautang muna ng tahol ng aso naming Matagal-tagal ko nang hindi nakakapiling? Pabili po sa tindahan ng mga alaala Pabili po ng sasakyang dati na't pinaglumaan Baka sakaling maihatid sa paborito kong sinehan Pabili po ng pambili noong aking kabataan Baka sakaling makabili ng paborito kong laruan Pabili ng ginamit kong lapis sa unang sulat ko ng tula Pabili ng ginamit kong ballpen sa bagsak kong mga marka Pabili po sa tindahan ng mga alaala Lumilipas lang ang bawat sandali Ano'ng magagawa ko? Tao lang (tao ka lang) Sa isang iglap, nagbago ang lahat 'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala ♪ Pabili po ng alaalang kasalukuyan kung umasta Pabili po ng galunggong sa presyong kaya pa ng bulsa Pabili ng krayolang pinagpuputol ko no'ng elementarya Baka sakaling maisalba ang iginuhit kong bara-bara Pabili po ng sandaling naging simula ng mga pangarap Kasi nakakalimot na 'ko kung paano ba magsikap Pabili po sa tindahan ng mga alaala Lumilipas lang ang bawat sandali Ano'ng magagawa ko? Tao lang (tao ka lang) Sa isang iglap, nagbago ang lahat 'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala 'Di ko lang namamalayang umuusad pala Nakangiti't pumapag-asa dahil may konti pa 'kong barya Lumilipas lang ang bawat sandali Kung 'di mo iipunin ay paano na? Hindi naman masamang magpahinga 'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala