Naglalakad nang makita ko si Pedro Nakalugmok, malungkot, mata'y walang anino Ako'y nagtanong-tanong kung may nalalaman ang iba Ito lang ang alam nila Isang anghel ang nag-alok ng mahiwagang mahika Sabi niya'y "Halika na, hinding-hindi ka magsasawa Kasiyahan ang dala, lahat ay pupwede mong makuha" Ang 'di niya alam Ang lahat ng bagay ay may sungay 'Di niya alam ang lahat, yeah Huwag kang basta-basta hahakbang Ang lahat ay 'di mo pa alam Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang Huwag kang basta-basta sasama Sa mga hindi mo kilala Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang ♪ Balik, balik na sa mundo mula sa langit Ako'y tumalon dahil sa espadang tusok-tusok na sa akin Pumunta munang lupa upang puso ay aking sundin Upang makamit ang kung ano'ng magpapaunlad sa akin At pagbalik sa itaas na tahanan Laking gulat, sa likod, ako'y tinamaan Dahil sa espadang pagpapaulan Hindi ko alam Ang lahat ng bagay ay may sungay Hindi ko alam ang lahat Huwag kang basta-basta hahakbang Ang lahat ay 'di mo pa alam Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang Huwag kang basta-basta sasama Sa mga hindi mo kilala Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang