Pagtapos ng ulan, sisikat na'ng araw At liliwanag ang mundo Na ating tahanan ngunit 'di malaman Kung bakit hindi magkatagpo tayong dalawa Musikang 'di tugma, kapag pinagsama Ikaw ay nasa taas Ako'y nasa ilalim, tanging panalangin ko lang Ang ika'y makapiling sa akin Balewala ang pagtingala sa 'yo Kung 'di mo alam na tayo'y nasa iisang mundo Habulin ang hangin, subukang hanapin Ang para sa 'yo At baka sakaling 'pag nagkatagpo Ako na ang 'yong mundo ♪ Pagkatapos ng araw, gigising ang buwan At mamumulaklak ang mga tala Sa kalangitan at mangangarap Na balang araw ay mahagkan at malapitan Balewala ang pagtingala sa 'yo Kung 'di mo alam na tayo'y nasa iisang mundo Habulin ang hangin, subukang hanapin Ang para sa 'yo At baka sakaling 'pag nagkatagpo Ako na ang 'yong mundo ♪ Balewala ang pagtingala sa 'yo Kung 'di mo alam na tayo'y nasa iisang mundo Habulin ang hangin, subukang hanapin Ang para sa 'yo, whoa, whoa At baka sakaling 'pag nagkatagpo Ako na ang 'yong mundo Balewala ang pagtingala 'pag nagkatagpo Balewala ang pagtingala, ako na ang 'yong mundo Balewala ang pagtingala sa 'yo