Kishore Kumar Hits

raven - Pag-uwi şarkı sözleri

Sanatçı: raven

albüm: Lika Na


Bumalik ang kulay sa aking buhay
No'ng ika'y makita kong muli
Kay tagal kong hinintay ang mahawakan ang 'yong mga kamay
At maligaw sa 'yong tingin
Kung pwede lang sanang humiling na 'wag ka na munang aalis
Sulitin natin ang araw nating dalawa
At sa pagsapit ng gabi, ibubulong, "Kailan muli?"
Magkakalayo na, paalam muna
'Di malimutan ang saya sa 'yong mata, ah-ah
Ngiti sa labi'y 'di na mawala-wala
Hanggang sa pag-uwi nating dalawa

Sa bawat kuwento, sa bawat titig mo
Humihinto ang paligid ko
Nakukuntento sa saya na bigay ng pag-ibig mo
Sa 'yo lang magkakagan'to
At buong maghapong naglalakbay, hanggang sa dulo'y magkasabay
Sinusulit natin ang araw nating dalawa
At sa pagsapit ng gabi, ibubulong, "Kailan muli?"
Magkakalayo na, paalam muna
'Di malimutan, alaalang kay saya, ah-ah
Ngiti sa labi'y 'di na mawala-wala
Hanggang sa pag-uwi nating dalawa

'Di malimutan ang saya sa 'yong mata, ah-ah
Ngiti sa labi'y 'di na mawala-wala, ah-ah
'Di malimutan, alaalang kay saya, ah-ah
Ngiti sa labi'y 'di na mawala-wala
Hanggang sa pag-uwi nating dalawa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar