Pakinggan ang aking puso Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo? Haharanahin hanggang dulo Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang Pakinggan ang aking puso Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo? Haharanahin hanggang dulo Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang Handa na ba na pakinggan ang naisulat kong harana? Mga salitang nanggaling sa aking nadarama Kahit simple lamang, gusto ko lamang malaman mo Na tunay ang lahat ng 'to at 'di basta gawa lang Pwede bang malaman kung nand'yan pa ba si tita at si tito? Makalumang paraan kahit sabihing 'di na uso 'Di na bale kung gan'to, basta't tama ang motibo Sasamahan pagtanda't mamahalin ka hanggang dulo At kahit na mataas man ang hagdan Ay aakyat pa rin ng ligaw kahit dahan-dahan Hangad ko lamang, tunay na pagmamahalan Handog ko na pag-ibig ay pangmatagalan, kaya Pwede ba, pwede ba na makasama ka? Walang iba, walang iba, ikaw lang talaga Pakinggan ang aking puso Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo? Haharanahin hanggang dulo Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang Makabago na harana Pakinggan mo ang humahanga Tila hindi mo alintanang napapangiti ka na Habang ako ay umaawit ng Yeah, makabago na harana 'Wag ka lamang magsasawa na dumungaw sa bintana Sa tuwing bumibisita, bitbit ang aking gitara Aawitan ka na para bang kasali sa parokya Nilalakasan ang aking loob sa t'wing pinapanood Ang 'yong mga mata na sa 'kin ay nakasunod Abutin man ng anong oras, taon man ay lumipas Pangakong 'di kukupas ang pag-ibig, kaya Pwede ba, pwede ba na makasama ka? Walang iba, walang iba, ikaw lang talaga Pakinggan ang aking puso Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo? Haharanahin hanggang dulo Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang Pakinggan ang aking puso Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo? Haharanahin hanggang dulo Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang