Kishore Kumar Hits

raven - Tayo Parin Talaga şarkı sözleri

Sanatçı: raven

albüm: Sunday


Gabi man o umaga, maaraw man o maulan
Laman ng aking puso ay ikaw pa rin naman
Tayo ang tinadhana, 'di na mapapalitan
Kahit na abutin man ng ilang taon pa 'yan
At kahit na 'di na ako managinip, bawi na sa 'yong mga titig
Uwi na, ako ang panalo, hindi na nila mababago
At kung baliktarin man nang husto, ikaw pa rin aking gusto
'Di nila mapipigil 'to (wala nang magagawa)
Tayo pa rin dalawa, kahit ano ma'ng sabihin nila
'Di na mahihinto'ng ating pag-ibig, habang-buhay mamahalin ka
Tayo pa rin talaga, kahit na sa kabilang mundo pa
Walang makakapigil sa 'tin, sa ating dalawa
Kahit na minsan nag-aaway tayo
At 'di nagkakaintindihan at minsan lumalabo
Pero hindi mapapagod, kumapit ka sa 'kin
'Wag kang matatakot, 'wag nating sayangin
Ang ating pag-ibig, ikaw at ako ay mananatili na
Hari at reyna sa 'ting palasyo
At bida sa 'ting sariling programa
Na parang K-drama, kilig na hindi mawala
Wala nang makakapantay pa sa iyo
Sigaw ng puso'y 'di magbabago
Tayo pa rin dalawa, kahit ano ma'ng sabihin nila
'Di na mahihinto'ng ating pag-ibig, habang-buhay mamahalin ka
Tayo pa rin talaga, kahit na sa kabilang mundo pa
Walang makakapigil sa 'tin, sa ating dalawa
Baliktarin man nang husto, ikaw pa rin aking gusto
'Di nila mapipigil 'to, wala na silang magagawa
Baliktarin man nang husto, ikaw pa rin aking gusto
'Di nila mapipigil 'to, wala nang magagawa
Tayo pa rin dalawa, kahit ano ma'ng sabihin nila
'Di na mahihinto'ng ating pag-ibig, habang-buhay mamahalin ka
Tayo pa rin talaga, kahit na sa kabilang mundo pa
Walang makakapigil sa 'tin, sa ating dalawa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar