Matagal na hinintay at ngayon na binigay Pinapangarap lang noon, ngayon nagkakulay Magkahawak ang kamay, mga ngiting nagsasabay Ikaw na ang pinili ko habang-buhay Tayo lamang dalawa At gagawa ng magandang alaala Kalimutan muna natin ang paligid natin At sa akin, sa akin ay lumapit May sasabihin lang, halika't pakinggan Ang "Mahal kita" Huwag nating sayangin ngayon ang oras natin Kinikilig mga bituing nasa langit Hindi ka iiwan, hindi ka sasaktan Lagi mong tatandaan na mahal kita Yeah, ang panalangin na binigay na sa 'kin Pangako habang-buhay kang mamahalin Hulog ka ng langit, alam mo ba kung bakit? Dahil nabigyang-liwanag ang mundo kong madilim Na akala ko dati, hindi mangyayari Ngunit ngayo'y nandito ka sa 'king tabi Ikaw na palagi (uh) Hindi na mababawi At 'di na dapat mangamba Nandito lang ako, lagi mong kasama Kalimutan muna natin ang paligid natin At sa akin, sa akin ay lumapit May sasabihin lang, halika't pakinggan Ang "Mahal kita" Huwag nating sayangin ngayon ang oras natin Kinikilig mga bituing nasa langit Hindi ka iiwan, hindi ka sasaktan Lagi mong tatandaan na mahal kita