Palayong tumatakbo Hahabulin ang araw Malaya ka nang sumigaw Pagdating mo sa dulo Huminga nang malalim Malaya ka nang sumayaw ♪ Ibon lang ang nag-abang Maaaring matapos na Ang ating mga nararamdaman Unti-unting gumuguho Ang nag-iisang mundo Lahat ng buhay, naglalaho Umiikot, lumalabo Nag-iisang katawan Malayo ang mapupuntahan Luha ang inalmusal Walang nagbabago Pasan ko pa rin ang lungkot Dumudugo at kumukulo Ang aking kaluluwa Ramdam ko pa rin ang lungkot Inaabot ang kalangitan Hagkan ang katapusan Kakalimutan ang lahat Itataas, mga kamay At aking ihuhubad Ang tunay na pagkatao ko ♪ Agaw-dilim Nagsisilbing libing Agaw-dilim Nagsisilbing libing Agaw-dilim Nagsisilbing libing Agaw-dilim Nagsisilbing libing