Homework machine Ang oras ba'y nagbabago? 'Di alam, takbo ng panahon Isang ilusyon Paano bumalik sa kahapon? Ayusin ang problema ko noon Para sa ngayon Ang sabi, "Huwag mo nang isipin 'yan Ang mahalaga ay ang ngayon" Bukas o kahapon, tayo lang Ang tanong, kailan ba magbabago ang puso? Kailanman, 'di lalayo sa panahon Tingnan man ng kahapon ang puso Kailanman, 'di lumayo sa 'yo ♪ Ang tao lang, may orasan Bakit ba kailangang magbilang? Para saan? Pangako, kahit sa'n man mapadpad Sa nakaraan o hinaharap pa 'yan Ikaw lamang ang pipiliin Huwag mo nang isipin 'yan Ang mahalaga ay ang ngayon Bukas o kahapon, tayo lang Ang tanong, kailan ba magbabago ang puso? Kailanman, 'di lalayo sa panahon Tingnan man ng kahapon ang puso Kailanman, 'di lumayo sa 'yo Nakaraan, ngayo't hinaharap Iisa lang, lahat ay may wakas Nakaraan, ngayo't hinaharap Iisa lang, lahat ay mayroong hangganan