Limang daang mukhang nakita, gulong-gulo Naghahanap ng bagong 'storya, buryong-buryo Dalawang mata'y pinapakita, basang-basa Sa isip lang nagkakagiyera, namumutla Pa'no ba iwasan ang mga nararamdaman? Sarili ang kalaban, sino ba'ng nakakaalam? Samahan n'yo na lang ako sa mundong aking binuo 'Di mo kailangan baguhin ang sarili, sumama sa ating samahan ♪ Baril ba ang makakatalo sa labang 'to? Ngumingiti at nanglalason patalikod Sinasakal ang mga balat Nabibingi ang mga bulag Nililibing na kaming lahat Sawang-sawa sa mga salita Pa'no ba iwasan ang mga nararamdaman? Sarili ang kalaban, sino ba'ng nakakaalam? Samahan n'yo na lang ako sa mundong aking binuo 'Di mo kailangan baguhin ang sarili, sumama sa ating samahan Babalik pa kaya ang buhay na nawala? Makakasama pa ba kita? Babalik pa kaya ang buhay na nawala? Makakasama pa ba kita? Walang pakialam Kung sama-sama Sa iisang hawla