Sa 'kin nakatingin, parang lumilipad na lang sa hangin 'Di na mapakali, 'kaw lang naman ang ninanais Hindi ba nalilito ang puso mo kung sa'n na papunta? Sa akin ba, sinta? Huwag mo sanang isipin na parang wala lang sa 'kin Ang lahat nating pinagsamahan Isasayaw kita na para bang Ito na ang panghuli natin, sinta 'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya ♪ 'Di pa ba halata na iba ang ihip ng hangin dito? Kung pwede lang sabihin nang deretsahan ang aking gusto At teka, ang bulag mo naman kung 'di pa rin nasisilayan Nagbago na ang pagtingin Huwag mo sanang isipin na parang wala lang sa 'kin Ang lahat nating pinagsamahan Isasayaw kita na para bang Ito na ang panghuli natin, sinta 'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya ♪ At ang oras ay tumatakbo 'Di pa rin alam kung gusto mo rin ako Isasayaw kita na para bang Walang nakatingin sa 'tin, sinta 'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita Isasayaw kita na para bang Ito na ang panghuli natin, sinta 'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya