'Wag ka nang manangis irog Sayang lamang ang luha mo May paggagamitan ka niyan Ako'y malapit nang mamatay At tsaka mo na diligin ang libingan ko Ng pabango ng 'yong mga mata Luha, kusa na lang dumadaloy Sa mga pagkakataon Nagpapaalalang tayo'y tao lamang Pagsisisi, lagi na lang sa huli Sa mga pagkakataong Nakakalimot 'pagkat tayo'y tao lamang 'Wag ka nang manangis irog Sayang lamang ang luha mo May paggagamitan ka niyan Ako'y malapit nang mamatay At tsaka mo na diligin ang libingan ko Ng pabango ng 'yong mga mata Pilitin mang tumindig Upang ika'y mahagkan man lang ng mahigpit Kusang napapahandusay sa aking Malupit na papag Nabibilang ko ang sikat ng araw At kay bilis na ng ikot ng mundo Marahil ito na ang huling awit at hapdi Na ipadarama ko sa 'yo... 'Wag ka nang manangis irog Sayang lamang ang luha mo May paggagamitan ka niyan Ako'y malapit nang mamatay At tsaka mo na diligin ang libingan ko Ng pabango ng 'yong mga mata At tsaka mo na diligin ang libingan ko Ng pabango ng 'yong mga mata