Bituing marikit, sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag ako'y bahaginan Natamin sa puso ko yaong isang pag-ibig Na pinakasasamba sa loob ng dibdib Sa iyong lunining, laging nasasabik Ikaw ang pangarap, bituing marikit Lapitan mo ako, halina bituin At ating pag-isahin ang mga damdamin Ang sabik kong diwa'y 'wag mong uhawin Sa batis ng iyong wagas na paggiliw Ang sabik kong diwa'y 'wag mong uhawin Sa batis ng iyong wagas na paggiliw