Isang dapit-hapon sa tabing-dagat Sa 'king paglalakad 'Di ko maiwasang mapansin Ang mga bagay-bagay ♪ Ang hangin na masuyod na dumadampi Sa 'king mga pisngi, hmm, at bumubulong Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay Nasa'n na siya? Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling Nasa'n na siya? Naalala mo pa ba noon Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat? ♪ Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin Sa 'king mga binti'y, hmm, naglalambing Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa Na dati-rati, hmm, ay may katabi Nasa'n na siya? Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling Nasa'n na siya? Naalala mo pa ba noon Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat? ♪ Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat