Kishore Kumar Hits

Ebe Dancel - Kasayaw şarkı sözleri

Sanatçı: Ebe Dancel

albüm: Bawat Daan


Mauuna ba ang kanan o kaliwa
Minamasdan ka't iniingatang h'wag madapa
Ang lihim kong pakay, sa'yo'y makasabay
Maunawaan ang wika ng 'yong galaw
Matutong sumayaw, matutong sumayaw
Ngayon parang tayo na lang dalawa ang nandito
Kahit saglit ay akin ka, ako ay iyo
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw lamang
Ang nais kong kasayaw, ang nais kong kasayaw

At dahan-dahan mo akong tinuturuan
Hagkan ka't bitawan 'pag wala nang maramdaman
Sana'y marinig mo ang himig ng aking pagibig
Hinding-hindi bibitaw hanggang
Matutong sumayaw, matutong sumayaw
Ngayon parang tayo na lang dalawa ang nandito
Kahit saglit ay akin ka, ako ay iyo
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw lamang
Ang nais kong kasayaw, ang nais kong kasayaw
Na parang atin lamang ang gabing ito
Bawat ngiti mo ay pag-ibig na
Bawat hakbang tungo sa kawalan
Mahal tanging ikaw lamang
Ang nais kong kasayaw, ang nais kong kasayaw
Ang nais kong
Kasayaw

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar