Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim 'Pag natutunan mong hawakan ang talim Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay Ano man ang humadlang, laban lang Narito na ang panday Dito sa Tondo, palaging mayro'ng gulo Bawal ang mga lampa, dapat matibay ang buto Dahil kinakaya-kaya lamang ang mga mahihina Kapit sa patalim, bahala na kahit mahiwa Agawan nang agawan, unahan nang unahan Naliligaw, bakit wala kang mapagtanungan Sa daan na ilan lamang ang nakakaalam At ang malalakas lamang ang nakakalamang? Kaya si Flavio ay napilitan na maging matigas 'Pag dumiskarte, mahirap mahuli, napakadulas Kasama ng mga tropa, lahat ay palaban Mayro'ng kanya-kanyang toka, giba kahit ilan ang bumangga Ito ba ang buhay na tatahakin Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain? Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay Ano man ang humadlang, laban lang Narito na ang panday Dumating na ang kinatatakutan ng marami Pangalan na kahit pabulong ay hindi mo masabi Lagim na kanyang hatid at kampon na napakarami Mundo na binalot ng dilim ay kailangang mabawi na nag-iisa Siyang nagtataglay ng dugo Wala nang iba, kailangan hawakan nang buo Ang lakas ng loob at tapang ng panday Ipinagkaloob sa kanyang mga kamay Na hinubog sa apoy ng buhay, tumibay sa sugat Walang uurungang laban, kapag kanyang binuhat Ang espada na tanging makakatalo kay Lizardo At sa dulo ng laban, kabutihan ang mananalo Dahil ito ang piniling buhay na tatahakin Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay Ano man ang humadlang, laban lang Narito na ang panday Ating tagapagligtas ang panday 'Di padadaig ang panday Ang pagbabalik ng panday, ng panday Ng panday, ng panday, ng panday Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim 'Pag natutunan mong hawakan ang talim Dahil ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim 'Pag natutunan mong hawakan ang talim Narito na ang panday Ating tagapagligtas ang panday 'Di padadaig ang panday Ang pagbabalik ng panday, ng panday Ng panday, ng panday, ng panday Ang pagbabalik ng panday, ng panday Ng panday, ng panday, ng panday 'Di padadaig ang panday, ang panday Ang panday, ang panday, ang panday Narito na ang panday